Mga ayaw nang kumuha ng 2nd dose: 1st dose nasa 3-30% lang ang proteksyon

Nakikita ng OCTA Research na nagiging kampante na ang ilang nabakunahang Pilipino sa pagsunod sa COVID-19 safety protocols.

Kaugnay nito, nagpaalala si OCTA Research Fellow Dr. Guido David, para sa mga ayaw nang kumuha ng second dose ng bakuna na walang garantiya para masabing fully protected na sila mula sa virus.

Ayon kay David, mababa pa ang proteksyon nito na nasa tatlo hanggang 30 porshento lang, at may posibilidad na makakuha pa ng severe infection.

Dahil dito, iminungkahi ng naturang eksperto na kapag nasimulan na ang pagpabakuna, ay lubos-lubusin na hanggang sa ikalawang dose.

Samantala, binigyang diin nito na ang pagtaas ng mobility ay isa ring dahilan ng risk ng transmission sa kumunidad. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *