Featured News

Mga babae sa Pilipinas mas mahusay sa Math kesa sa mga lalaki – UNESCO

Lumabas sa pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na mas mahusay sa Mathematics ang mga babae kesa sa mga lalaki dito sa Pilipinas.

Batay sa inilathala ng UNESCO’s Global Education Monitoring Report na inilabas noong Abril 27, lumalabas na sa matematika, ang gender gap na pumapabor sa mga lalaki sa mga unang baitang ay unti-unting nawawala.

Mas mahusay din umano ang mga babae kaysa sa mga lalaki sa reading at science.

Bagama’t mas mahusay ang pagganap ng mga lalaki kaysa sa mga babae sa matematika sa mga unang taon, natuklasan ng mga mananaliksik na nawawala ang agwat ng kasarian na ito sa sekondaryang paaralan – kahit na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo.

Maliban sa Pilipinas nakita din sa Malaysia na ang mga babae ay mas mahusay kaysa sa mga lalaki sa matematika, na may pitong porsyentong nangunguna sa mga lalaki, Cambodia (tatlong porsyento) at Pilipinas (1.4 porsyento).

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago