Mga bakunang natanggap ng Bicol region, 93% nang naipamahagi

BNFM BICOL—93% na ng mga bakunang natanggap ng Department of Health (DOH) Bicol ang naipamahagi sa iba’t-ibang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon.

Base sa pinakahuling Vaccine Statistics ng DOH Center for Health Development, 206,580 doses ang kabuuang bakunang natanggap ng rehiyon at nasa 191,600 na nito ang distributed.

58% na nito ang administered o naiturok na katumbas ng 119,356 doses. 100,923 doses ang naibakuna sa 1st dose o 84% habang 18,433 o 26% ang naipamahagi para sa second dose.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang siyang may pinakamaraming vaccine doses na natanggap na nasa 53,884 kung saan 71% na ang naiturok para sa first dose at 28% naman sa second dose.

Ang lalawigan ng Albay ay nakatanggap ng kabuuang 45,292 doses kung saan 97% na ang naiturok para sa first dose at 20% para sa second dose.

32,256 doses naman ang natanggap ng lalawigan ng Sorsogon kung saan 86% na ng target para sa first dose ang naturukan habang 32% naman sa second dose.

Ang lalawigan ng Masbate ay mayroong 26,318 total doses received at 83% na sa target para sa first dose ang naturukan habang 44% ang sa second dose.

18,960 doses ang natanggap ng Camarines Norte kung saan 93% na sa target vaccinees sa first dose ang nabakunahan at 13% sa second dose.

Habang ang Catanduanes ay mayroong 14,890 doses na natanggap at 90% na ang nababakunahan sa 1st dose habang 10% naman ang sa second dose.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga nasa priority groups na kabilang sa target at kayang abutin ng vaccine supply habang tuloy din ang pagpapalista sa iba pang nasa priority list na mababakunahan oras na dumating ang karagdagang supply ng bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *