Mga bala at replika ng baril, kinumpiska ng CIDG sa isang lalaki sa bayan ng Rizal, Palawan

Inaresto ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG-Palawan) ang isang Samuel Mag Aso Abog sa Sitio Malaka-laka Barangay Campung Ulay, Rizal Palawan nitong Miyerkoles, March 29, 2023.

Ayon sa ulat ng CIDG Palawan, ito ay bunga ng matagumpay na “Oplan Paglalansag Omega” o Campaign against private armed group and loose firearms.

Isinilbi nila ang search warrant sa suspek tungkol sa paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Law On Firearms And Ammunition Act).

Nakumpiska sa pangangalaga ng subject ang limang (5) bala ng calibre 45 pistol at umano’y mga replika ng baril na nakuha sa basket.

Samantala, ngayong araw ay isinalang sa inquest proceeding ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *