Mga balikbayan box ng halos 100 OFWs naka-hold sa Las Piñas

Idinadaing ng ilang Overseas Filipino workers (OFW) ang naka-hold na balikbayan boxes sa isang cargo forwarding firm sa Las Piñas, na hindi raw nire-release dahil kinakailangang bayaran muli.

Umabot na sa halos 100 ang mga OFW at kaanak nila na hindi pa rin natatanggap ang mga balikbayan boxes na mula pa sa Dubai na ipinadala pa noong isang taon.

Ang ilan, ay nauna pang makauwi sa Pilipinas.

Paliwanag ng kumpanya na nagsara bigla ang shipping company mula sa Dubai kaya sila muna ang sumagot sa ilang processing fees pagdating ng mga ito sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Bureau of Customs na ilegal at hindi nararapat ang ginagawa ng naturang cargo forwarding company.

Maaari umanong patawan ang mga freight forwarding companies ng kasong kriminal dahil sa pag-hold sa mga balikbayan boxes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *