Mga bandila ng Pilipinas sa Albay naka halfmast re: pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

BICOL—Ipinag-utos ni Gobernador Al Francis Bichara ang paglalagay sa halfmast sa mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno at mga pampublikong lugar sa lalawigan ng Albay.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdalamhati sa pagpanaw ni dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III na binawian ng buhay ngayong araw matapos isugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Sa executive order Number 21 ni Gobernador Bichara, mananatili sa halfmast ang mga bandera sa Albay simula ngayong Hunyo 24 hanggang sa Hulyo 4 o sa loob ng sampong araw salig na rin sa R.A 8491.

Ito ay bilang tanda ng pagrespeto at pagkilala sa dating pangulo at sa naging serbisyo nito sa mga mamamayang Pilipino.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *