Mga bangkang Unaizah May gagamitin pa rin sa susunod na resupply mission

Gagamitin pa rin ang kinukumpuning barko para sa resupply mission sa Ayungin Shoal sa kabila ng mga pag-atake ng China Coast Guard.

Nakatakda na rin umanong irepair ang nakalusot na Unaiza May 1 matapos ang ginagawang pagkukumpuni sa Unaiza May 2 na binangga ng CCG sa ginawang resupply mission noong nakaraang taon.

Mababatid na binomba ng tubig ng China ang ilang barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng suplay sa mga tropang nasa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP target sana ng Unaiza May 4 na pasukin ang nasabing bahura pero nabigo sila dahil sa mga pinsalang natamo mula sa mga Tsino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *