Mga bantay sa covid patients, pinagbabawal pa rin CVMC

Mahigpit parin na ipinagbabawal ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center ang bantay sa mga COVID-19 patients dahil iniiwasang mahawaan sila ng naturang sakit.

Ito ang inihayag ni Dr. Glenn Mathew Baggao ang Chief ng CVMC sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Bagaman pinapayagan nila ang mga humihiling na magbantay sa kanilang mga kapamilya, kinakailangan munang pumirma ang mga ito sa waiver na nakasaad na walang pananagutan ang CVMC sakaling mahawaan ang mga ito.

Sa kabila nito ay hinimok ni Chief Baggao ang mga kaanak ng mga COVID-19 patients na hanggat maari ay huwag nang magpumilit na sila ang magbabantay sa kanilang mga mahal sa buhay na tinamaan ng naturang sakit.

Nangako rin ang Hepe na kanilang inaalagaan at inaasikaso ng maayos ang mga pasyente lalung-lalo na ang mga elderlies.

Ibinahagi rin niya na mayroon ng ganitong kaso kung saan hiniling ng asawang babae na siyang magbantay sa kaniyang asawa na nasa isolation facility ng pagamutan subalit pagkalipas ng limang araw ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Sa ngayon aniya ay dalawa na silang tinutugunan ng mga staff ng CVMC at naggagamot.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Dr. Baggao ang mga kapamilya ng mga COVID patients na magtiwala sa mga staff na siyang tumutugon sa kalagayan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *