Mga barangay captain na mabibigong magpatupad ng health protocols, pinaaresto ng Pangulo

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na arestuhin ang mga barangay captain na magbibigo na ipatupad ang ban sa mga party, picnic at iba pang klase ng pagtitipon na maaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

Sa weekly briefing ng Pangulo ay sinabi niya na mananagot ang mga barangay captains sa salang derelictioun of duty sa ilalim ng Revised Penal Code kung mabibigo sila na pigilan ang mass gatherings sa kanilang mga hurisdiksyon.

Nakadirekta ang utos ng Pangulo sa Philippine National Police at sa iba pang law enforcement agecncies.

Inihayag ito ng Punong Ehekutibo matapos iulat ni Interior Secretary Eduardo Año ang iba’t-ibang mga insidente ng mass gatehrings kabilang na ang mga picnic at prties

Samantala, binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na huwag nang hintayin na maghigpit pa siya laban sa mga ito.

Pinag-aaralan na rin ng Pangulo kung paano makokonsiderang krimen ang ginagagawang pagsuway ng mga tao sa COVID-19 protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published.