National

Mga barangay captain na mabibigong magpatupad ng health protocols, pinaaresto ng Pangulo

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na arestuhin ang mga barangay captain na magbibigo na ipatupad ang ban sa mga party, picnic at iba pang klase ng pagtitipon na maaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

Sa weekly briefing ng Pangulo ay sinabi niya na mananagot ang mga barangay captains sa salang derelictioun of duty sa ilalim ng Revised Penal Code kung mabibigo sila na pigilan ang mass gatherings sa kanilang mga hurisdiksyon.

Nakadirekta ang utos ng Pangulo sa Philippine National Police at sa iba pang law enforcement agecncies.

Inihayag ito ng Punong Ehekutibo matapos iulat ni Interior Secretary Eduardo Año ang iba’t-ibang mga insidente ng mass gatehrings kabilang na ang mga picnic at prties

Samantala, binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na huwag nang hintayin na maghigpit pa siya laban sa mga ito.

Pinag-aaralan na rin ng Pangulo kung paano makokonsiderang krimen ang ginagagawang pagsuway ng mga tao sa COVID-19 protocols.

BNFM Makati

Recent Posts

Mas mahigpit na visa controls laban sa Chinese student applicants, ipinanawagan ng isang kongresista

Hinimok ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez ang Department of Foreign Affairs na…

10 mins ago

Councilor ng Naic, Cavite arestado, mga baril at granada nakumpiska ng CIDG

Himas rehas ang municipal councilor ng Naic Cavite na si Maria Teresa Puno sa ikinasang…

30 mins ago

Bagong panganak na sanggol, itinapon sa septic tank

Nagulat ang mga Taga-Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City nang makita ang isang bagong panganak na…

32 mins ago

Usa ka batan-on sakpan sa pagpangawat sumala pa sa boarding house sa usa ka airport police

NAKA KUSTODIYA karon sa Makar Police Station ang usa ka batan-ong lalaki human nga nadakpan…

34 mins ago

BI, nanawagan ng inter-agency action sa gitna ng isyu sa pagtaas ng bilang ng mga Chinese students sa bansa

Nanawagan ang Bureau of Immigration ng agarang aksyon mula sa iba't ibang ahensya sa gitna…

40 mins ago

Lalaki, arestado matapos mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa Mauban, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa…

53 mins ago