Mga barangay problemado sa mababawas na IRA dahil sa Mandanas law

CAMARINES NORTE- Problemado ngayon ang mga Barangay dahil sa mababawas sa kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) bunsod ng implementasyon ng Mandanas Law.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Liga ng mga Barangay President Jesus Salomon ng Basud, Camarnes Norte sinabi nito na malaking problema ang ibabawas sa kanilang IRA lalo na ang mas maliliit pang Barangay.

Halimbawa  na lamang aniya sa bayan ng Basud na kabilang sa 3rd class municipalities, malaki ang mababwas sa IRA ng kada Barangay hindi lamang ngayong taon kundi sa susunod pa.

Ito umano ang dahilan kung bakit tila imposible sa ngayon na maipatupad ang mga panukalang batas na magbibigay ng fix na sweldo at benepisyo sa mga  tulad nilang opisyal ng Barangay.

Kaya ang rekomendasyon ni Salomon bawasan ang pondo na ibinibigay sa mga Senador at Party list group  sa halip ay ilagay na lamang sa Barangay.

Ganito rin ang saloobin ni Punong Barangay Salvador Bartolome.

Isa umano ang kaniyang Barangay sa may maliit na IRA na mayroon lang 3. 4 million at ngayong taon ay mababawasan pa ito ng kalahating  milyon.

Gustuhin man umano nila na magkaroon  ng dagdag na sweldo at benepisyo pero ang tanong saan kukunin ang budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *