Mga barangay sa Olongapo, iikutin para konsultahin ang mga pasahero tungkol sa planong pagtataas sa pamasahe sa tricycle

Iikutin ng Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod ang lahat ng mga barangay sa Olongapo.

Ito ay para kunin ang pananaw ng mga mamamayan tungkol sa planong pag-amyenda sa tricycle fare ordinance sa lungsod.

Matatandaan, taong 2004 pa ng maipasa ang ordinansa na nag-uutos na siyete pesos at singkwenta’y sentimos ang minimum na pamasahe sa tricycle at mula noon ay hindi na nabago.

Noong nakaraang linggo, minsan nang naimbitahan ang mga presidente ng mga zona at inaasahang kasunod nito ang pag-imbita sa mga driver.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *