Mga bata sa MSC, binibigyan ng name tag

Binibigyan ng name tag ang mga bata na kasamang papasok sa Manila South Cemetery.

May mga marshal na nakaantabay sa bungad ng sementeryo at hindi sila pumapayag na hindi mag-log o magsulat ng pangalan ang mga bata kasama ng kanilang mga kasamang guardian at pati na rin ang kanilang mga contact number.

Ito’y ginagawa upang mapabilis ang hanapan sakaling napahiwalay ang bata sa kanilang kasama.

Pumapayag naman ang magulang sa pagpapalista at pagsabit ng name tag sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *