Mga batang bansot patuloy na tinututukan ng mga Barangay Nutrition scholar sa Naga

NAGA CITY – “Tinimbang ka ngunit kulang” ito ang naging reaksyon ng bawat Barangay Nutrition Scholar o BNS  ng Naga City tuwing may batang hindi husto ang bigat, hindi tugma sa kanyang edad na ang ibig sabihin ay malnourished , payat at bansot pa o stunted.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Cecil San Pascual, BNS ng Barangay Concepcion Grande, sinabi niyang ang pagtitimbang o pagkikilo sa mga bata ay isa sa sistema ng ginagawa nila sa pag alam sa health status ng mga ito, kung malnourish ba o healthy.

Kung susumahin anya, sa inisyal na talaan nila may mahigit ng 80 bata ang nasa kategoriya ng stunted sa limang sona sa kanilang barangay at iyon ang kanilang tutuunan ng pansin na maisalba sa pagkakasakit kung hindi magiging maganda ang kanilang kalusugan.

Matatandaan na ng taong 2019 kinilala ng National Nutrition Council Region V ang Naga City bilang “Training and Learning Center” for Nutrition Governance, dahil sa matagumpay na mga programa sa nutrisyon sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *