Luzon

Mga batang hindi regular na nababakunahan kontra sa mga sakit sa Pili, Camarines Sur, sinusuyod ngayon ng MHO

NAGA CITY – Kasalukuyang sinusuyod at nagsasagawa ng house-to-house Regular Vaccination Program ang Municipal Health Office ng Pili, Camarines Sur, sa mga bata sa bayan.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay MHO Dr. Rafael Salles.

Aniya, kasabay ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga Senior Citizen, isinasama na rin nilang bakunahan ang mga batang hindi regular na nabibigyan ng bakuna, mga batang hindi pa nababakunahan at mga batang kailangan na mabakunahan kontra sa iba’t-ibang sakit.

Prayoridad ngayon ang Barangay Palestina, Cadlan, San Agustin, Caroyroyan, Binanwaanan at ang Barangay Himaao.

Dagda pa ng Doktor, sinisikap nilang maabot ang mga bata lalo na hindi lahat nakakapunta sa center ang mga magulang para lang mapabakunahan ang mga anak gayong ang ilan ay walang panahon at may trabaho, kung saan dapat na naibibigay sa mga bata kailangan nila para sa magandang kalusugan.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

18 hours ago