Mga beach resorts sa Sagñay, Camarines Sur dinayo nitong Easter Sunday

CAMARINES SUR — Sinamantala ng maraming eskursyunista ang libre at bukas na pampublikong beach sa Barangay Nato sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur maging ang ilan pang pribadong beach resort sa Barangay Patitinan, umaga, nitong nakaraang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Kanya-kanyang tayo ng tent at hanap ng malilim na puwesto ang mga dumayong eskursyunista, tulad na lamang ng barkada ni Jimwell Bardinas na mula pa sa bayan ng Pili na dumayo upang makapag-bonding at ipagpatuloy ang kanilang nasimulang tradisyon na pagbisita sa mga beach tuwing linggo ng pagkabuhay.

Samantala, ayon kay Police Major Michael Albania, ang hepe ng Sagñay Municipal Police Station, may isang insidente kahapon nang jellyfish sting agad naman itong naisugod sa Rural Health Unit ng nasabing bayan at nalapatan ng lunas. At wala namang naitalang nahimatay dulot ng matinding init ng panahon. Sa kabila nito, ibayong pag-iingat pa rin ang paalala ng opisyal sa mga eskursyunista upang maiwasan ang anumang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *