Mga benepisyaryo ng 4Ps, makapag-aaral na ulit sa ilalim DSWD

Maaari nang makapag-aral sa kolehiyo ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay sa ilalim ng ilang government tertiary education support programs na naglalayong tulungan ang mga beneficiaries sa kanilang magiging gastusin sa pag-aaral.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, mayroon silang educational assistance programs mula sa Commission on Higher Education (CHED), kabilang na ang mga scholarships, grant-in-aid, at student loan programs.

Target umano ng mga ito na maging madali ang access ng mga tao sa dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagpapagaan sa financail burdern na kinahaharap ng mga benepisyaryo.

Sinabi rin ni Lopez na ang tertiary education ay isang investment para sa future, at isang hakbang patungo sa goal ng 4Ps na iangat ang mga mahihirap gamit ang libreng edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *