Mga BHW isasailalim sa training para maging katuwang ng Provincial Government sa iwas bulag program

CAMARINES NORTE – Isasailalim sa training ang mga Barangay Health Workers para maging katuwang ng Provincial Government sa ilulunsad na programang “iwas bulag” o blindness prevention program.

Ito ang inanunisyo ni Provincial Health Officer I Dr. Walter Randolph Jalgalado sa  3rd BHW/BNS Provincial Summit na ginanap sa Camarines Norte Agro Sports Center  kahapon na dinaluhan ng mga BHW at BNS mula sa iba’t- ibang bayan.

Ayon kay Jagalado noong nakalipas na buwan ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Provincial Government, Department of Education at Fred Hollows Foundation para sa Blindness Prevention Program.

Mahalaga umano ang papel na gagampanan ng mga BHW sa programa dahil sila ang magiging katuwang ng DepEd sa pagtukoy sa mga batang may problema sa paningin.

Ani Jalgalado may mga bata raw kasi na hindi nagpi- perform ng maayos sa klase hindi dahil sa mahina kundi may problema sa paningin. May kasama umano ang foundation na doktor na sumusukat sa grado ng mata at mamimigay din ito ng salamin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *