Mga botante  at kandidato sa darating na Barangay at SK Elections dapat may alam upang maiwasan ang kaguluhan sa mismong araw ng botohan

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Commission on Elections na importanteng alam ng mga botante at kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang kani-kanilang papel para maiwasan ang kaguluhan at kalituhan sa mismong araw ng botohan.

Ito ang dahilan kung bakit maagang nagsasagawa ng voters education ang Comelec sa mga Barangay.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec speaker’s bureau ang pinaka una umano niyang tinatalakay sa pagsasagawa ng voters education ay  ang statistical data mayroon ang barangay.

Mahalaga umano ito dahil ang mayroong mga botante na dalawang balota ang ibibigay.

Sa edad na 18 hanggang 30 anyos, dalawang balota ang ibibigay dahil boboto ito sa regular o sa Punong Barangay hanggang Kagawad at sa Sangguniang Kabataan.

Isang balota naman ang ibibigay sa regular voters o edad 31 anyos pataas gayundin sa 15- 17 na para naman sa SK.

Mayroon din umanong karagdagang presintong bubuksan sa BSKE sa Oktubre.

Ipinaalala rin ni Abanes na dahil manual election ay isusulat ang pangalan ng kandidato sa balota kaya mahalagang maiwasan ang pagkakamali.

Ang kadalasang pagkakamali sa manual election ay mali ang pangalang naisusulat sa posisyong dapat inilalagay ang kandidato.

May mga kandidato sa pagka Punong Barangay na nailalagay sa posiyon ng kagawad at gayundin naman sa kagawad na nailalagay sa posisyon ng Punong Barangay.

Pinakalayunin din umano ng voter’s education na magabayan ang botante sa tamang pagpili ng kandidato.

Sa gitna ng tila pagbaha ng pera tuwing halalan, naniniwala si Abanes na mas lalong kailangan ang voters education para maipaliwanag sa mga tao ang kahalagahan ng pagboto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *