Mga botanteng benepisyaryo ng mall voting sa Legazpi City, walang dapat ikabahala sa eleksyon

LEGAZPI CITY – Sa mismong araw ng eleksyon sa barangay sa Oktubre 30, hindi kinakailangang matakot o mabahala ang mga botanteng benepisyaryo ng mall voting sa lungsod ng Legazpi partikular ang Brgy. Capantawan na siyang napili ng COMELEC hindi lamang sa buong Bicol region kundi sa buong Luzon.

Nasa mahigit 700 na mga registered na botante kasi ang nasa Capantawan, at nasa mahigit 100 ang mga benepisyaryo ng mall voting sa SM City Legazpi na binubuo ng mga residenteng nasa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, PWD at buntis.

Nakaalerto na rin kasi ang mga tauhan ng mall sa lahat ng botante.

Ang mga botante ay prayoridad sa mga escalators at elevators ng mall at kahit hindi pa opisyal na binubuksan, maaari na nilang magamit ang mga pasilidad.

Mayroon ding ipo-provide na wheelchairs para sa mga nangangailangan upang hindi sila mahirapan pumunta sa venue.

Ilan pa sa mga benepisyong hatid ng mall voting ay ang malawak na venue, maaliwalas at air-conditioned pa.

Samantala, nakaalerto rin ang mga naka-deploy na tauhan para sa bawat kakailanganin ng mga botante kaya’t inaabisuhan silang huwag magdalawang-isip na mag-approach lamang sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *