Mga bricks ng marijuana, nakumpiska sa mga dayo sa Iriga City

CAMARINES SUR- Hulog sa kamay ng mga otoridad ang dalawang dayo pa sa Iriga City na nagbenta umano ng mga bloke ng marijuana , nakuhanan pa ng hihihinalang shabu.

Sa ulat ng PNP nangyari ang transaksyon bandang ala-una ng hapon sa Barangay San Isidro. Kumagat sa kanilang pain sina  Efren, 45-anyos may asawa at  Joel , 43-anyos mga residente ng Calamba, Laguna.  Sakay ang dalawa ng pribadong sasakyan. Walang kaalam-alam na mga pulis ang kanilang ka transaksyon. Depensa ng mga ito hindi kanila ang item, pinadala lamang at nirentahan ang sasakyan.

Nakuha sa dalawang street level individual ang 17 na mga bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana maayos na maayos pa ang pagkaka plastic nito, nagkakahalaga ito ng  PhP2,040.000.00. Nakuha rin ang aabot sa 30 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahala ng PhP204,000.00.

Nagpaabot ng pagbati si Provincial Director  PCOL. Julius Caesar Domingo sa matagumpay na operasyon, kung hindi nasabat ilang buhay pa ang masisira dahil sa masamang bisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *