Mga CILC sa Koronadal, nakatanggap ng ayuda at tulong

KORONADAL – NAKATANGGAP ng iba’t ibang mga kagamitan at food supplies ang 14 na mga Children in Conflict with the Law o CILC na kasalukuyang namamalagi sa Bahay Pag-asa ng Koronadal. Personal na ibinigay ng Regional Juvenile Justice and Welfare Council na dinaluhan nina Atty. Servillano Santiago A. Lorenzo III ng Public Attorney’s Office XII at DSWD XII Assistant Regional Director Bonifacio V. Selma Jr. sa mga nangungunang center ang mga supplies subsidies.

Ayon kay City Vice Mayor Erlinda P. Araquil, kailangan na hindi masayang ang panahon na mabago ang mga ito. Dagdag ng opisyal na upang masira ang cycle of criminalities, kailangan dapat na maligtas ang mga ito. Maalala na matagal ng nagpapatupad ng programa ang opisina ng bise-alkalde bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya na pagbibigay ng spiritual interventions.

Plantsado na ang isang komprehensibong Work at Financial Plan ng City Local Council for the Protection of Children o LCPC para sa taong 2024. Sa nasabing pagtitipon, inihayag ni City Councilor Ellen Grace Subere Albios, chairperson ng Committee on Women, Children, and Family Relations, na nararapat lamang na mayroong kasiguruhan na maibigay at maipaabot sa grassroots level ang mga programa at proyekto na mag-aalaga at tutulong sa ikabubuti ng kabataang-Koronadaleño.

Bahagi ito sa plano na isinusulong ng panibagong mga polisa; pagpapatibay ng Barangay Council for the Protection of Children; pagsagawa ng kongkretong children’s database at ang pagsusulong ng adbokasiya na tututok sa karapatan ng mga kabataan sa lungsod. Nabatid na dahil sa pagtaas ng datos sa child-abuse cases at iba pang mga problema, ito na ang ipinapaibayo para ikabubuti ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *