Mga dating kawani ng kooperatiba, ibubunyag ang katiwalian – PISTON

Umaasa pa rin ang PISTON na mapakikinggan ang kanilang mga hinaing hingigl sa Public Utility Vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan sa darating na pagdinig sa Kongreso.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PISTON National President Mody Floranda, sinabi nito na sa darating na Jan. 24 o ngayong Miyerkules ay may mga magpapahayag ng sinasabing katiwalian sa mga kooperatiba.

Isa nga ang umano’y korapsyon sa iimbestigahan ng mababang kapulungan sa gaganaping hearing at kung matutuloy ani ni Floranda ay hindi lamang isa ang magpaptunay ng mga alegasyon sa kaliwalian sa PUVMP.

Kaugnay nito, napipintong muling magkasa ng tigil pasada ang PISTON bago matapos ang buwan ng Enero lalo’t wala pang ibinababang sagot ang Supreme Court sa kanilang inihain na temporary restraining order para sa suspensyon ng PUV modernization program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *