Mga deboto na nakikilahok sa Pista ng Itim na Nazareno – higit 3 milyon

Pumalo na sa mahigit 3 milyon ang mga debotong nakikilahok sa mga katibidad na may kinalaman sa Pista ng Poong Itim na Nazareno ngayong araw.

Batay ito sa monitoring ng National Capital Region Police Office, hanggang ala tres ngayong hapon.

Ayon sa NCRPO, umabot sa kabuuang 3,086,400 ang numero ng mga debotong namonitor na kasama sa traslacion , mga nasa misa at mga debotong nag aabang sa daanan ng prusisyon.

Samantala, umabot naman sa 402 ang naitalang injured batay sa ulat ng Department of Health.

Karamihan sa mga ito ay nagtamo ng sugat at gasgas dahil sa siksikan at tulakan sa prusisyon, mayroon din napaulat na inatake ng asthma, Headache at Hypertension.

Samantala, , humingi naman ng ibayong pang-unawa si PNP Chief Gen
Benjamin Acorda Jr. sa nararanasang signal jamming sa Maynila

Batid aniya ng Pambansang Pulisya kung gaano kahalaga para sa lahat ang cellphones at iba pang uri ng mga network gadgets.

Subalit ayon kay Acorda, kailangan nilang ipatupad ang signal jamming sa Maynila upang higit na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga namamanata sa Itim na Nazareno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *