Mga deboto pagbabawalang akyatin ang andas

Puspusan na ang paghahanda ng simbahan ng Quiapo sa pagbabalik sa traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Kasabay nito ang ilang pagbabago sa andas ng paglalagyan ng Nazareno.

Ayon kay Nazareno Spokesperson Father Hans Magdurulang, pinalibutan na ito ng mga salamin para makitang mabuti ang imahen.

Magkakaroon muli ng prayer station at susundin ang ruta na ginamit noong 2020.

Ang pagbabasbas ng mga replika at estandarte ay gagawin sa January 3 hanggang 4, 2024.

Sa January 6 ganap na ala-sais ng gabi magkakaroon ng misa ng mga volunteer ng mga Nazareno sa Quirino Grandstand.

Pagkatapos ng misa ay sisimulan na ang pahalik sa Nazareno natatagal hanggang January 8.

Inilabas naman ng Philippine National Police ang mga ipinagbabawal na gamit sa ruta para sa traslacion.

Kabilang dito ang backpack, bote, payong at sumbero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *