Mga dikya sa Caramaon, Camarines Sur, susuriin; mga turista pinag-iingat

NAGA CITY – Nakarating na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol at ipapasuri ang mga dumadami at nagsisilitawang mga jellyfish o dikya (labog) sa Camarines Sur.

Ito’y matapos magpalabas ng advisory ang LGU hinggil sa pagsilabasan ng mga dikya na mas maraming makikita kapag tag-init dahil paborable sa kanila ang mainit na klima.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Regional Director Ariel Pioquinto, sinabing isasailalim sa pagsusuri ang mga dikyang nasa lugar upang malaman kung anong mga uri, delikado ang boxed jelly fish at nakamamatay.

Sa panayam naman kay Christian Aries Guevarra, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, inabisuhan na rin ang mga tour operators at mga tour guide na i-check o tingnan muna kung may mga dikya sa area na pagpapaliguan ng mga bisita. Pinapadala na rin ang mga turista ng googles, pansilo at first aid kit lalo na ang suka.

Ayon pa sa opisyal kung hindi na kayang makontrol at kung mas dumami pa agad naman silang magsasagawa ng mga hakbang nang maiwasan na may mangyari pa, lalo na ngayon marami pa ring bakasyunista ang pumupunta sa bayan.

Nakausap na rin ng Brigada News FM Naga si Paniman Punong Barangay Myra Rodriguez , ayon sa kaniya inabisuhan na nila ang mga bangkero sa tamang pagpapa-ingat sa mga turista. Sa kasalukuyan bihira ang mga bata na naliligo sa dagat dahil sa peligro ng dikya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *