Local News

Mga driver sa Camarines Sur problemado nanaman sa big-time fuel price hike; mas mataas na pasahe sa jeep hindi pa naipapasunod

NAGA CITY- Problemado nanaman ang mga driver sa Camarines Sur sa big-time na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo lalo’t karamihan sa kanila hindi pa naipatutupad ang taas-singil sa pamasahe.

Kinumpirma ng Department of Energy ang pagsipa sa presyo, P6 hanggang P6.30 ang itataas sa kada litro ng diesel sa Gasolina naman P1.10 to P1.40 bawat litro.

Ang 30 taon nang namamasada ng padre de pamilyang si Wilfredo Rueles biyaheng Naga-Pasacao ibinahagi sa Brigada News FM Naga na  maliit na halaga para sa kanila ang pisong dagdag sa minimum na pamasahe pero mabigat aniya ito sa mga pasahero. Hindi pa man nila naipapatupad ang dagdag pasahe dahil nilalakad pa ang fare matrix tataas nanaman ang presyo ng petrolyo.

Ayon naman kay Gely Nacor na biyaheng Naga- Minalabac, may mga pagkakataon na iniintindi niya ang kakulangan ng pamasahe lalo na kung estudyante basta’t nagpapasalamat at nagsasabi kaya para sa kaniya mainam kung ang pagpapababa ng presyo ng produktong petrolyo ang tututukan.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

26 mins ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

27 mins ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

27 mins ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

37 mins ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

42 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 hour ago