Mga driver sa Naga City  hindi makikiisa sa transport protest ngayong araw

NAGA CITY- Hindi makikiisa sa transport protest ng Manibela sa Maynila ngayong araw ang mga driver sa Naga City.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Councilor General Omar Buenafe , Chairman ng Committee on Transport sa konseho ng lungsod. Sa mga nakausap niyang driver at operator, karamihan ay nakapag consulidate na.  Mababatid na ikinasa ng naturang transport group ang transport protest upang matuloy na ipanawagan ang pagbasura sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Sa Naga City may 15  nang modernized jeepney na kumakayod simula pa noong 2023. Positibo ang tugod rito ng mga sumasakay. Ayon naman kay Naga City Allied Transport Cooperative (NACIATRASCÓ) Chair Danny Cosa, maayos naman ang sistema sa kanilang kooperatiba na hindi lamang driver ang nakaka benipisyo kundi konduktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *