Mga dumalo sa QC pool party na nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 54

Umakyat na sa 54 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa mga taong dumalo sa isang pool party at drinking session sa Quezon City.

Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Unit chief Dr. Rolly Cruz, tatlo ang nagpositibo sa virus nitong weekend. 

Batay sa contact tracing ng unit, ang mga bagong kaso ay umattend sa street pool party noong May 9, Mother’s Day, at inuman at videoke sesson sa isang covered court noong May 11. 

Ang mga nasabing event na parehong ginanap sa Barangay Nagkaisang Nayon ay itinuturing ng health authorities bilang “superspreader”.

Mababatid na sa video footage na ibinahagi ng Quezon City local government, nakitang di nakasuot ng face masks o face shields ang mga dumalo habang magkakatabi. 

Samantala, hinihintay pa ng local authorities ang resulta ng tests ng 20 iba pang indibidwal na sumailalim sa RT-PCR swab tests. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *