Mga dumi ng ibon sa Naga City na nagdudulot ng perwisyo sa publiko, hinahanapan pa ng solusyon ng Naga CENRO

NAGA CITY- Hinahanapan pa ng solusyon ng Naga City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang problema hinggil sa dumi ng mga ibon sa Panganiban Drive at karatig na barangay sa lungsod.

Katunayan, noong nakaraang taon pa pabalik-balik ang mga ibon sa nasabing lugar ngunit ngayon nagdudulot na ng perwisyo sa ilan. Hindi lang sa daan nagkalat ang mga dumi, maging sa mga salamin at iba pang parte ng sasakyan na mga nakaparada rito.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Engr. Dan Cea, Admin Officer ng CENRO, hinahanapan pa nila ito ng solusyon kung kaya’t sa ngayon, panawagan nila sa publiko ang mahabang pasensya sa mga ibon dahil tayong mga tao ang may kakayahang mag-isip at umintindi sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *