Mga E-bike  na tumatakbo sa National Highway at  namasada na sa Naga puwedeng sitahin at hulihin

NAGA CITY –Nakarating na sa Land Transportation Office–5 ang isyu at problemang dala ng mga tumatakbong E-Bike sa mga national highway sa Naga City na kung saan ang iba sa mga ito ay namamasahero pa na maliwanag na violation kaya puwede silang sitahin o kaya hulihin ng mga traffic law enforcer tulad ng mga personahe ng Naga City Police at ng Public Safety Office.

Ito ang ipinahayag sa Brigada News FM Naga ni Glen Mancera, Chief ng LTO –Bicol Operations Divisions dahil sa hindi na mapigilan ang pagdami ng may E-Bike sa lungsod na dapat sana sa mga kalye sa barangay at subdivisions lamang tumakbo at huwag sa national highway na mapanganib sa mga ito.

May ilang insedente na rin anya ng aksidente sa kalsada ang naitala ng kanilang opisina na kinasangkutan ng E-Bike na kung saan kawawa naman ang driver lalo na kung truck o malalaking sasakyan ang naskakabangaan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *