Mga e-bike owners sa Naga City, inaabisuhang kumuha na ng lisensya – NCBB

NAGA CITY – Nasa 80% pang mga rehistradong e-bike o e-vehicle users sa lungsod ng Naga City, ang wala pang lisensya, kung saan ngayon pa lang ay maaga na rin silang inaabisuhan ng Naga City Bicycle Board, na kumuha na.

Kaugnay ito sa pagpabor ng Land Transportation Office na dapat rehistrado at may lisensya na ang mga e-trike at e-bike users, bagamat wala pang direktiba o binababang memo ngunit napag-uusapan na.

Sa panayam kay Jonathan Hernandez, Department Head ng NCBB, nakahanda silang ipatupad ito sa lungsod katuwang ang LTO Naga, lalo na’t nasa mga LGUs din ang pagpapasunod, kinakailangan lamang ng malinaw regulasyon dahil karamihan mga senior citizen at mga persons with disabilities ang gumagamit ng mga ito.

Sa ngayon kasi mga walang rehistro lamang ang hinuhuli at kung nasa national road na ang mga ito na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *