Mga empleyado ng DepEd-Bicol na bakunado na kontra COVID-19, umabot na sa 69,700

BNFM BICOL—Inihayag ni DepEd-Bicol Regional Director- Gilbert Sadsad na nasa 93% o katumbas ng 69,700 na mga empleyado ng ahensya ang bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay Sadsad, ang mataas na vaccination coverage sakanilang mga empleyado ay bunga umano ng kanilang patuloy na paghikayat at pangungumbinse sa mga ito, kasabay na rin ng patuloy na pagpapaunawa ng kahalagahan ng pagpapabakuna.

Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang pagsusumikap ng DepEd na maabot ang 100% vaccination coverage sa kanilang mga empleyado, bilang paghahanda na rin sa “progressive expansion” ng limited face to face classes sa iba’t-ibang mga paraalan sa rehiyon.

Ayon kay Maryflor Jumamil – tagapagsalita ng ahensya, mas marami na umanong mga pampublikong paaralan sa Bicol ang nagsasagawa ng limited face to face classes ngayong mas maluwag na ang COVID-19 restrictions, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *