Mga empleyado ng LGU-Naga pinaalalahanan na i-monitor ang kanilang Health Status para iwas din sa epekto ng El Nino Phenomenon  

NAGA CITYNagpalabas muli ng paalala ang LGU-Naga sa lahat nilang mga empleyado sa city hall na i-monitor ang kanya-kanyang health status,lalo na iyong may gamot na iniinom o maintenance araw-araw,para matiyak na ligtas sila sa anumang masamang epekto dulot ng grabeng init ng panahon.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay City Administrator Elmer Baldemoro,sinabi niyang marami sa kanilang mga empleyado ang under medication na rin,ang iba ay na ospital na rin dahil sa sakit kaya kailangan ng pag-iingat.

Nabanggit pa niya na isa ito sa layunin ng ginagawa nilang medical mission sa mga bara-barangay ng lungsod,na bigyan ng gamot,vitamins ang lahat at palalahanan na magpa check up agad sa doctor sakaling may maramdamang hindi maganda sa katawan,dahil sa init sa paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *