Mga epekto ng pagkabansot at ilang paraan upang maiwasan ito, naging highlight sa Mom’s Love End Stunting Symposium and Distribution sa Naga

NAGA CITY – Matagumpay na natapos ang Mom’s Love End Stunting Now Symposium and Distribution of Mama Kits ng Brigada News FM Naga, na mahigit tatlompong mga nanay ang masayang nabenebisyuhan ng programa sa Barangay Sta Cruz, Naga City.

Kung saan sa maikling programa kasama ang mga personahe ng barangay, naging highlight at muling tinalakay ni Maria Elena Flores, Barangay Nutrition Scholar, ang ilang epekto ng pagkabansot, katulad ng apektado ang kakayahang matuto, mababa ang marka sa klase, mataas ang tyansa na maging mataba o obese sa kanilang pagtanda, pagkakaroon ng mga sakit, apektado rin ang behavioral development kung saan mataas ang risk sa anxiety, depression at mababang self esteem, na kailangang dapat ngayon palang ay maiwasan na ito ng mga bata, sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga ng nanay katulad ng habang nasa tiyan pa lang si baby dapat masunod na ang nutrition sa 1000 days hanggang dalawang taon, kumain ng mga masustansyang pagkain, regular pre-natal check up habang buntis, check up din para kay baby para mamonitor ang timbang nito, at tiyaking malinis ang mga inihahandang inumin upang iwas inpeksyon.

Maliban sa natutong muli ang mga nanay, nabusog dahil sa pagkaing handog, nabigyan sila ng mama kits at mom’s love capsule na makakatulong sa kanila habang buntis at habang nagpapadede, na laking pasasalamat naman ng Barangay dahil sa mga ganitong programa na inisyatibo ng Brigada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *