Mga eskwelahan bawal gamiting venue sa pangangampanya- DepEd

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na bawal gamiting venue ang mga eskwelahan  sa pangangampanya para sa darating na May 2022 national and local elections.

Bukod dito mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit sa mga resources, tao at anumang pag- aari ng eswelahan para sa partisan politics.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympa Guemo hindi naman nais ipagkait ng DepEd ang mga eskwelahan pero mayroon umanong  kautusan tungkol dito.

Paliwanag ni Guemo na base sa DepEd Order 48 series of 2018, malinaw na sinasabi dito ang mga prohibitions kapag nagsimula na ang campaign period.

Batay sa Calendar of activities ng Commission on Elections magsisimula ang campaign period sa Pebrero 8 para national candidates habang Marso 25 naman hanggang Mayo 7 sa mga lokal na kandidato.

 “Baka po may mga nagpapaalam na rin sa mga schools natin na gagamitin na venue for campaign, simula pong February 8, kasi yun ang campaign period ng National at sabi ko nga na kahit gusto naman natin na magpagamit kasi wala silang space but we are prohibited by virtue of DepEd Order 48 series of  2018,” ani Guemo sa programang DepEd Hour.

“Very clear po nakalagay doon na isa sa prohibited, isa sa mga prohibitions ay yung utilizing the government resources such as the personnel, including the job order, contract service and also yung time ng mga government employees ang properties for political purposes, so  when we say properties that includes the schools”.

Ang bagay umanong ito ay dapat na maipaliwanag ng maayos ng mga school heads na bawal gamitin ang government properties sa pangangampanya dahil mananatili aniyang non- partisan ang DepEd.

Maaari lang aniyang gamitin ang mga eskwelahan bilang evacuation o isolation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *