Mga eskwelahan sa Camarines Norte nakiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahapon

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang Department of Education at mga eskwelahan sa Camarines Norte sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahapon.

Pagpatak ng alas 9 ng umaga kasabay ng pagtunog ng “bell” na hudyat ng pagsisimula ng drill ay sabay- sabay na nag Duck, Cover, Hold ang mga kawani ng SDO-Camarines Norte at iba’t- ibang eskwelahan.

Ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Division Disaster Risk Reduction and Management Coordinator Geronimo Burce ang ilang kuhang larawan ng Earthquake Drill.

Ilan dito ay ang kuhang larawan sa Calogcog Elementary School, San Jose Elementary School,  San Rafael Elementary School at Parang Elementary School sa Jose Panganiban.

Sabay- sabay ding ng Duck, Cover, Hold ang mga guro at estudyante sa Zurbano Elementary School, Goito Pimentel Elementary School sa Daet at Rizal National High School gayundin sa Sta Catalina Elementary School sa Paracale.

Ayon kay Burce, mayroong instruction ang DepEd na gawin ulit ang duck. Cover and hold at sa pagkakataong ito ay mas maraming guro at estudyante na ang nakilahok.

Ito kasi ang unang earthquake drill mula nang ipatupad muli ang full face-to-face classes’ noong November 2.

Base umano sa instruction mula sa DepEd Central Office nasa discretion ng School Head kung gagawin din ang evacuation phase ng drill.

Ang NSED ay paghahanda  sakali mang lumindol habang ang mga empleyado ay nasa kani-kanilang opisina at ang mga estudyante ay nasa eskwelahan.

Ang lindol ay isang bantang panganib at hindi malalaman kung kailan darating kaya nararapat lamang na maghanda at magsanay kung ano ang mga nararapat na gawin sa pagtama nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *