Mga estudyante mula sa Isabela, muling pinatunayan ang pagiging math wizards

Muling pinatunayan ng mga mag-aaral mula sa Isabela ang pagiging math wizard matapos manguna sa isinagawang Hong Kong International Math Olympiad (HKIMO) Heat Round, Philippine Region.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nakatanggap si JayLord Uggadan ng Gold award, habang sina Richdayne Dwight Tumamao ng Mark Nathaniel Beltran at Brixt Cureg ay nakatanggap naman ng silver award sa parehong Senior Secondary Category na pawang mga estudyante mula sa Regional Science High School 2.

Sa mensahe ni Uggadan sa awarding ceremony ng nasabing kompetisyon ay ibinahagi nito ang naging paghahanda sa nakaraang TIMO Finals kung saan nasungkit nito ang 2nd runner-up.

Aniya, ang HKIMO na ang huling kompetisyon na sinalihan nito bilang mag-aaral sa sekondarya kung saan anuman ang maging resulta ng finals ay inaalay niya umano ito sa kaniyang namayapang coach na naninawala sa kaniyang kakayahan sa larangan ng matematika.

Samantala, sa parehong kompetisyon ay nasungkit din nina Gena Kaye Ramil ang gold award sa primary 6 category at Aelaina Marie Tupong ang bronze award na parehong estudyante ng First Echague United Methodist School Inc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *