Mga estudyante sa Naga patuloy sa basic life support training

NAGA CITY –Mas dumadami ang mga kabataan at mga estudyante sa Naga City na may alam na sa Basic Life Support dahil sa patuloy na pag-training ng mga ito sa pamamagitan ng mga DOH-Accredited Trainors na sina Dr. Ramon Lim at Raul Oas na kung saan ang mga mag-aaral mula sa Balatas National High School ang mga lumahok sa pagsasanay.

Tulad ng dati, tinuruan ang mga estudyante kung papano mag responde sa anumang emerhensiyang sitwasyon gaya ng aksidente sa kalsada, kung may pagbabaha, sunog, paglindol na sa pangkalahatan, mga dapat gawin sa pagsasalba ng buhay.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Education Committee sa konseho , sinabi niyang magpapatuloy ang ganitong aktibidad nila sa mga paaralan sa lungsod para tuloy din ang pagkamulat ng mga estudyante sa importansiya ng may alam sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *