Mga estudyanteng natulungan ng isang guro na magkaroon ng laptop

Naging emosyonal ang isang guro sa  Iligan, Lanao del Norte dahil tila’y nagbunga ang kanyang magandang adhikain.

Nangangalap kasi noon si Teacher Melanie Reyes Figueroa para may ipambili siya ng laptop ng kanyang mga estudyante.

Imbis raw na mangutang ang mga pamilya nito, siya na lang mangangalap ng pondo para dito.

Naging mahirap kasi ang panahon na ito, lalo na’t kinakailanagn ng isang estudyante ang laptop upang magpatuloy sa kanilang pag-aaral noong kasagsagan ng pandemya at nag-transition ang mga klase sa online.

Matapos ang ilang taon, may degree na ang mga estudyante na kanyang natulungan, kabilang na si Dennis Balagbis na nagtapos ng may latin honor.

Ngunit bukod pa kay Dennis, siyam na laptop na ang naibigay ni Teacher Melanie sa tulong na rin ng ilang nagmagandang loob sa loob lamang ng dalawang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *