Mga firecrackers ngayong holiday season, dadaan sa mabusising proseso bago maibenta –DTI Camarines Sur

CAMARINES SUR- Dadaan sa mabusising proseso ang lahat ng mga firecrackers bago ito maibenta.

Ito ang binigyang diin sa Brigada News FM Naga ni Jay Ablan, Provincial Director ng Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur matapos ang pag-uusap ng Task Force Paputok tungkol sa mga regulasyon ng pagbebenta ng paputok ngayog holiday season. Ang mga firecrackers ay dadaan sa mabusising pag-inspeksyon ng DTI para masiguro na pasok sa kanilang standards. Pagdating naman sa mga clearance and permits, kailangan munang makipag-ugnayan sa Task Force Paputok na binubuo ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at sa merkado ng bawat bayan.

Samantala, muling nagpaalala ang DTI Bicol sa mga consumer na huwag bumili ng mga substandards na mga Christmas lights, huwag magoverloading sa mga saksakan at kung maaari ay huwag iwanang nakasaksak ang mga ito overnight upang maiwasan ang sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *