Mga gamit pandigma ng NPA, nasamsam; Isang rebelde, sumuko

Nasamsam ng mga kasundaluhan ng 85th Infantry Battalion (85IB) ang mga armas at improvised explosive device (IED) na ginamit ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan nito sa Philippine Army (PA) nitong Lunes, Marso 25.

Isang M16 rifle, pitong loaded magazines, tatlong piraso ng Anti-personnel mines at iba pang kagamitan mula sa mga tumakas na NPA ang nasamsam ng mga kasundaluhan.

Bukod dito, sumuko naman sa isang barangay ang isang miyembro ng rebeldeng grupo na si ‘Ka Bibo’ matapos itong humingi ng tulong sa kanyang pagsuko.

Ayon sa 85th IB, mula ito sa grupo ng NPA Bicol na siyang nag-aabang sa mga miyembro ng kasundaluhan sa Tagkawayan, Quezon.

Samantala, kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng kasundaluhan si Ka Bibo habang inihahanda ang kaniyang mga dokumento para maging pasok sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *