Mga Grab Drivers, nagsama-sama sa QC Circle para ipanawagan ang hindi patas na fare matrix

Tinawag na pang-aabuso sa karapatan ng mga mangggawa ni National Union of Food Delivery Riders, Organizer for NCR, John Jay Chan ang inilabas na bagong fare matrix ng Grab.

Ayon kay Chan, luging lugi ang mga driver dito lalo na’t hindi ito idinaan sa kanila para sa konsultasyon.

Kaugnay nito, nanawagan ang kanilang unyon sa Grab na maging “sincere” sa pagresolba ng problemang nagpapahirap sa mga mangangawa tulad nila.

Maalala, nasa mahigit 150 na riders ang nakilahok sa nasabing unity assembly – kung saan ilan sa mga nakilahok dito ay nanggaling sa Laguna, Calabarzon, NCR, Pampanga, Pangasinan at Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *