9 na mangingisda na gumamit ng compressor, huli ng Coast Guard Palawan

Nagsagawa ng Matagumpay na Operasyon ang 𝑪𝒐𝒂𝒔𝒕 𝑮𝒖𝒂𝒓𝒅 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑬𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓𝒏 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏 (𝑪𝑮𝑺𝑬𝑷), Nahuli ang siyam (9) na mga Mangingisda na Sangkot sa Ilegal na Pangingisda noong Miyerkules, 11:30 ng gabi ng Marso 20, 2024.

Sila ay nahuling sa aktuwal sa pagamit ng compressor bilang isang breathing apparatus sa kanilang pangingisda.

Habang isinasagawa ang Maritime Patrol sa mga tubig malapit sa Isla ng Barareng, Cuyo Palawan, ang Maritime Patrol Team ay nakakita ng dalawang (2) kahinahinalang motorbanca (MBCA). Walang pag-atubiling, agad na sinimulan ng Maritime Patrol Team ang imbestigasyon sa kanilang mga aktibidad. Sa pag-inspeksyon, sila ay nahuli akto na sangkot sa ilegal na pangingisda.

Ang mga nahuling mangingisda ay kasunod na dinala sa 𝑪𝒐𝒂𝒔𝒕 𝑮𝒖𝒂𝒓𝒅 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑬𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓𝒏 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏 (𝑪𝑮𝑺𝑬𝑷) para sa masusing imbestigasyon.

Bukod dito, ang mga tauhan ng 𝑪𝑮𝑺𝑬𝑷 ay maayos na inilipat ang siyam (9) na mga mangingisda sa Municipal Agriculture Office of Cuyo, Palawan, para sa tamang pagtugon at legal na proseso.

Dagdag pa, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐚𝐲 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐢𝐥𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬, dahil sa masamang epekto nito sa mga ekosistema sa dagat at sa mga industriya ng pangingisda. Via

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *