Mga guro bawal tawagan o istorbohin sa pagsisimula ng bakasyon sa Hunyo

CAMARINES NORTE – Ipapatupad ng Department of Education (DepEd) ang “no contact policy sa mga guro simula sa Hunyo para bigyan ang mga ito ng pagkakataon na ma- enjoy ang bakasyon nang hindi tinatawagan o pinapa- report sa eskwelahan.

Alinsunod ito sa Department Order (DO) No. 3 series of 2024 na inilabas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na itinatakda ang pagtatapos ng School Year (SY) 2023-2024 sa darating na May 31, habang ang simula  naman ng SY 2024-2025 ay sa darating na July 29, at ang huling school day nito ay sa May 15, 2025.

Ayon kay Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad kahit nga mga group chat na school related ay pinadi- disable.

Ibig sabihin buong buwan ng Hunyo ay bakasyon talaga ang mga guro.

Pagdating ng Hulyo ay hindi rin lahat ng guro ay magrereport sa eskwelahan.

Mababatid na sinimulan na ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa lumang academic calendar, kaya inagahan ang pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Tinitignan naman ng departamento na maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng SY 2026-27 para maibalik na rin sa dating April-May ang school break.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *