Mga guro na tumulong sa isinagawang BSKE, mabibiyayaan ng additional credits

Maaaring mabigyan ng karagdagang service credits ang mga teachers na na nagsilbing mga poll workers para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, posible ring mapagkalooban ng service credits ang mga teachers na nagtrabaho nang higit 24 oras.

Paglilinaw pa ng opisyal, ang service credits na ito ay hindi cash kung ‘di leave credits na katumbas ng kanilang arawang kita.

Sa isang liham naman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Commission on Elections (COMELEC), sinabing karagdagang bayad ang isa sa mga top concerns ng mga public school teachers na nakiisa sa BSKE.

Dahil umano kasi sa pagkaantala ng ilang mga tasks, kinailangang magtrabaho ng mga guro ng 30 oras nang wala man lang tulog o pahinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *