Mga gusali sa Naga City na nasa 15 taong gulang na mapanganib na sa publiko dahil sa paminsan minsan na paglilindol

NAGA CITY –Nagbabala ang city engineer’s office ng Naga City na dahil sa madalas na pagkakaroon ng paglindol, mapanganib ang mga gusaling nasa 15 taong gulang na,lalo na iyong mahihina ang pundasyon o iyong pagkakagawa.

Kasabay ng babala ay nakikipag-ugnayan na ang opisina sa mga may-ari ng gusali na mayoriyang nasa central business  district ng lungsod.

Sa pakikipag-usap sa media at sa Brigada News FM Naga ni  Assistant City Engineer Engr. Elmer Albo, sinabi nitong nag-ikot na rin sila sa mga gusaling ito at inaalam ang detalye sa pagkakagawa nito.

May mga natuklasan silang ang iba ay hindi tugma sa panahon ngayon at kalidad ng kanilang opisina, kaya pati ang contractor at engineer ng gusali ay kanila na ring kinakausap.

Binigyang-linaw ni Albo na hindi naman lahat ng ganitong edad ng gusali ay mapanganib,may mga natuklasan silang magaganda rin ang pagkakatayo lalo na iyong  “buhos” ang pundasyon at hindi simpleng hollow blocks lamang.

May mga rekomendasyon na silang ibinigay sa mga may-ari ng gusali na mga negosyante ng lungsod.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *