Mga hakbang at prayoridad ng AFP sa WPS, natalakay kay French ambassador Fontanel

Ilang hakbang at prayoridad ng Armed Forces of the Philippines ang natalakay sa pulong sa pagitan nina Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel.

Ito’y makaraang mag courtesy visit si Fontanel sa AFP General Headquarters

Natalakay din ng dalawa ang higit na pagpapaigting ng napakatagal nang ugnayan ng Pilipinas at Pransya kabilang na ang pagsusulong na mapanatili ang tuloy tuloy na pagtalima sa international law.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang AFP chief sa French government dahil sa vocal support nito sa Pilipinas sa gitna ng mga iligal na aksyon ng China sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *