Mga humabol at nagpa-last-minute para bumiyahe pauwi ng probinsya, dumagsa

Tuluy-tuloy pa rin sa pagdagsa ang mga ‘last-minute’ na mga biyaherong uuwi ngayong long weekend para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, pati na rin ang Undas.

Sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX), inaasahang aabot sa 150,000 hanggang 160,000 ang foot traffick sa terminal.

Ipinagmalaki naman ng pamunuan ng PITX na mas handa na sila sa ngayon lalo na’t ‘expected’ na raw nila ang sunud-sunod na mga holiday.

Sa Cubao bus terminal naman sa Quezon City – mula alas-siyete pa ng gabi kagabi ay mahaba na ang pila ng mga bus na biyaheng pa-Norte.

Hanggang ngayong araw ay tuluy-tuloy pa rin dating ng mga pasahero sa nabanggit na mga bus terminal.

Naka-deploy naman ang pulisya para magbigay ng seguridad sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *