Mga ibinebentang vape products obligado nang magkaroon ng safety markings pagdating ng Hunyo

CAMARINES NORTE – Obligado nang mayroong safety markings ang mga ibinebentang vape products pagdating ng June 5, 2024, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)

Ito ang inihayag ni Gary Rafanan, Consumer Protection Division Head ng DTI Provincial Office sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Rafanan, mayroong ipinalabas na Department Administrative Order ang ahensiya na pagdating sa Hunyo ay kinakailangang mayroong Import Commodity Clearance (ICC) markings ang ibinebentang vape  na imported at Philippine Standard (PS)  PS mark naman kapag locally manufactured.

Sa ilalim ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, isa ang DTI sa implementing agency pagdating sa vape products kasama ng Bureau of Internal Revenue, Food and Drugs Administration at Local Government Unit.

Nakapaloob din sa batas ang mga product at selling requirements, packaging gayundin kung papaano ito iko- communicate sa user dahil bawal ang vape sa menor de edad.

Bukod sa Task Force sa lokalidad na magpapatupad ng batas ay mayroon ding sariling enforcement unit ang DTI mula sa centra office na bababa sa Camarines Norte kapag mayroong mga operation.

At dahil mandatory product na ang vape ay kasama na ito sa regular monitoring ng DTI kung saan titingnan din ang nicotine content ng produkto.

Mababatid na marami nang nai- engganyo lalo na ang mga kabataan na gumamit ng vape bagay na dati nang inalmahan ng mga dalubhasa sa kalusugan na kinabibilangan ng mga dating kalhim ng DOH at iba pang health practioners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *